Naiiba ngunit kakaiba

1

Madilim na naman ang kalangitan. Kasindilim ng aking pagkakakilanlan. Sino ako? Ako na hindi alam ang sariling pagkatao. Hindi alam dahil pinaparamdam nilang may mali sa akin. May pagkakaiba sa pangkaraniwan.

“Ali Musammad, ikaw na..”

Ali Musammad daw. Teka, parang pamilyar ah?

“Uy ali, ikaw na raw!”

Hindi ako kumibo ng una. Hindi ako tumayo upang magpakilala dahil hindi ako kabilang dito. Nagulantang na lamang ako nang hinila ako ng aking mga kaklase sabay tulak at nagtawanan sa harap ko.

“Ha.. Ha.. Ha.. Si Ali lampa!!!”

“Iyan kasi iba ang paniniwala. Ha.. Ha.. Ha..”

Nandilim ang aking paningin. Nandilim ang aking pananaw. Nandilim ang aking paniniwala. Nandilim ang lahat pati ang kinabukasan ko hindi ko na matanaw. Bibitawan ko na ba para tanggapin ako? O hihigpitan ko pa para masuong ang problemang ito? Itutulak palayo maging ang aking sariling budhi.

Hindi nila ako tanggap dahil iba raw ang rasa ko. Iba ang kulturang kinagisnan ko kumpara sa kanila. Iba ang aking kilos. Iba ang pinaniniwalaang tagalikha. Iba ang lahat. Iba ang panananamit. Ngunit hindi naman diba ito nangangahulugang mali ako, diba? Na hindi ako tao? Na hindi ako kabilang sa kanila? Magpupursigi ako. Hindi magpapatalo sa tawag ng panlalait.

“Ipapakita ko sa kanila ang batas ng isang api!”

“Ladies and gentlemen, salubungin natin ng isang masigabong na palakpakan si Ali Mussamad. Ang ating valedictorian ngayong taon.”

Sa mga pagkakatong iyon, nararamdaman ko na ang tagumpay na aking inaasam-asam.

Ang tagumpay na hindi naging batayan ang isang relihiyon upang mapagwagian ito at upang maabot ang pangarap. Upang ipakita sa lahat na kailanma’y hindi magiging hadlang ang pagiging Muslim mo man o Kristiyano upang maabot ang pagkakaisa hindi lang sa loob ng paaralan, maging sa labas man.

Leave a comment